Kasong kinakaharap ni Sen. De Lima, walang hurisdiksyon ang DOJ

Binigyang-diin ng ilang kongresista na walang hurisdiksyon ang Department of Justice sa kasong kinakaharap ni Senador Leila de Lima.

Ito ang pahayag ng ilang kongresista kasunod ng napapabalitang gagawing pagpapa-aresto sa Senadora.

Sinabi ni ABS Representative Eugene Michael de Vera, ang Office of the Ombudsman umano ang bahala na magsampa ng kaso at mag-prosecute kay De Lima batay na rin sa imbestigasyon ng DOJ.

Paliwanag ni De Vera na ang kaso ni De Lima ay may kaugnayan pa sa dati nitong posisyon bilang kalihim ng DOJ.

Aniya, dapat ipasa ng DOJ sa Ombudsman ang kaso ni De Lima kung tapos na ito sa imbestigasyon.

Sinuportahan naman ni Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin ang pahayag na ito ni De Vera.

Speak Your Mind

*