Kasong plunder, hindi kasama sa listahan ng krimen na may death penalty

Hindi isinali ang plunder sa mga listahan ng krimen na may parusang kamatayan.

Ito, ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ang napagkaisahan sa caucus ng mga miyembro ng house supermajority kahapon.

Hindi rin aniya mandatory death kundi reclusion perpetua to death ang magiging sistema kapag naipasa ang death penalty.

Ibig sabihin, ang judge umano ang magpapasya kung kelan ito magpapataw ng death penalty para sa mga makagagawa ng masasahol na krimen.

Sinabi rin ni Alvarez na binawasan nila ang listahan ng mga heinous crimes na mapapatawan ng death penalty.

Speak Your Mind

*