Kauna-unahang TWP ni Pastor Quiboloy ngayong taong 2017, matagumpay

Mula sa matagumpay na King is Coming Tour ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name sa North America, naging matagumpay rin kahapon ang kauna-unahang Live Thanksgiving and Worship Presentation sa Pilipinas na ginanap sa Ynares Convention Center sa Antipolo City      

Tinatayang nasa libo-libong miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ ang dumalo sa naturang pagtitipon na nagmula sa National Capital Region Central, Northern, at Southern Luzon

Dumalo rin sa naturang pagtitipon ang ilang mga malalapit na kaibigan ni pastor apollo at ilang mga International Minister at Administrator ng Kingdom of Jesus Christ.

Pinangunahan ni Pastor Quiboloy ang pagbibigay ng preskong manna ng kapahayagan mula sa makapangyarihang ama.

Samantala, sa darating na linggo, Pebrero a-dise nuwebe, inaabangan naman ang unang Live Thanksgiving and Worship Presentation ni Pastor Apollo sa headquarters ng The Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

Speak Your Mind

*