Kleyente ng nagpapa-rehab sa R1MTRC Dagupan, nabawasan na

Bahayag nang nabawasan ang mga kleyente na nagpapa-rehab sa Region 1 Medical Treatment and Rehabilitation Center (R1MTRC) sa barangay Bonuan Binloc, Dagupan City.

Ito ayon kay Dr. Rosalinda Caoile, Psychiatrist ng R1MTRC ay dahil marami na sa kanilang kleyente ang nadischarge na dahil nakatapos sa kanilang rehabilitation program.

Sinabi pa ni Caoile na posibleng epekto din ito ng sinuspeding implementasyon ng oplan tokhang ng pnp at ang pinaigting na Community Base Program ng mga LGU’s sa mga drug surrenderies.

 

Iginiit naman ni Caoile na ang isang tao na severe cases sa drug addiction ay kailangan nang dalhin sa Rehabilitation Center para sumailalim sa labinwalong buwan na gamutan.

Speak Your Mind

*