Koreen Medina, inulan ng negatibong reaksyon sa social media

Inuulan na agad ng negatibong reaksyon sa social media si Koreen Medina na gaganap na karibal ni Maine Mendoza sa unang teleseryeng pagtatambalan nila ni Alden Richards.

Ayon kay Koreen, patunay lamang ito kung gaano talaga kamahal ng kanilang fans ang tambalan nina Maine at Alden o mas kilala bilang AlDub.

Ayaw naman ni Koreen na magpaapekto sa mga bashers dahil trabaho lang naman at walang personalan ang magiging papel niya.

Sobrang masaya naman daw si Koreen na mabigyan ng role sa inaabangang primetime series.

Speak Your Mind

*