Labrador PNP, naghinayang sa pagpapahinto sa ipinapatupad na Oplan Tokhang

Hindi maitago ang panghihinayang ng Labrador PNP sa ibinabang kautusan ng pambansang pulisya na ihinto na ang ipinapatupad na Oplan Tokhang at Project Double Barrel sa bansa.

Ito’y dahil sa matagumpay na kampanya kontra iligal na droga at abot kamay na ng bayan ng Labrador ang “Drug Cleared Barangay”.

Sinabi ni Police Senior Inspector (PSI) Joel Cabaddu, Officer-In-Charge ng Labrador PNP sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, na sa kanilang ipinatupad na barangay clearing operation walo na ang nadekalra dito ng “drug cleared barangay” mula sa sampung barangay.

Labinlima katao naman ang naaresto sa mga isinagawang drug operation.

Kasabay dito, tiniyak naman ni Cabaddu na walang magiging hadlang upang gawin at ipatupad ang kanilang sinumpaang tungkulin.

 

Ang tinig ni PSI Joel Cabaddu, Officer-In-Charge ng Labrador PNP sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Speak Your Mind

*