“Lean month” sa pangangalap ng suplay ng dugo ng Red Cross, nalampasan na

Nalampasan na Philippine Red Cross ang tinatawag na “lean month” sa pangangalap ng suplay ng dugo para sa pangangailangan ng mga pasyente sa pangasinan.

Nabatid na tuwing buwan ng Disyembre at Enero ay nararanasan ang kakapusan sa suplay ng dugo dahil sa nagdaang holiday season.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Raymond Lim, Blood Donors Recruitment Officer ng Red Cross-Pangasinan Chapter na ngayong Pebrero ay unti-unti nang nagsusumula ang mga blood donation.

 

Partikular na aniya rito ang mga nakahanay ng blood donation sa bayan ng san fabian sa Pebrero 3, sa Sta. Barbara sa Pebrero 16, sa Pebrero 16 sa Lyceum Northwestern University at ang siyam na campus ng Pangasinan State University na hindi naitakda ang petsa.

Speak Your Mind

*