Lider ng Kamara, tiniyak na walang delay sa pagpasa sa death penalty bill

Binigyang diin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi niya pahihintulutan ang anumang pagtatangka na i-delay ang proseso sa panukalang death penalty sa Kamara.

Giit ni Alvarez na wala silang balak na patagalin pa ang deliberasyon sa panukala.

Dagdag pa nito na bibigyan niya ng pagkakataon ang lahat ng mga kongresista na makapag-interpellate, tutol man o pabor sa death penalty bill.

Pero kapag sumapit na raw ang voting period, kailangan daw tumupad ng mga mambabatas sa botohan.

Speak Your Mind

*