Lumalabag sa batas trapiko sa Dagupan, bumaba – POSO

Bumaba na ang nahuhuli ng Public Order and Safety Office (POSO) dahil sa paglabag sa batas trapiko sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Ret. Spo4 Carlito Ocampo, POSO Chief ng Dagupan City, unti-unti nang natututo ang mga motorista sa sumunod sa ipinatutupad na batas, mula ng mahigpit na ipatupad ito noong buwan ng Nobyembre.

Sa katunayan ayon kay Ocampo, ang mataas na bilang na nahuli ng POSO noong nakaraang buwan ay mula sa mga private vehicles na illegally parking.

Patuloy naman pinaaalahanan ng POSO ang mga motorista na panatilihing sumunod sa traffic ordinance na ipinatutupd ng lungsod upang maiwasan ang pagkahuli at multa.

Speak Your Mind

*