Mahigit isang daang proyekto sa ilalim ng BUB Project, natapos nan g DILG

Umabot na sa mahigit isang daang proyekto ang natapos ng Department of Interior and Local Government (DILG) Pangasinan sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting o BUB Project noong taong 2016.

Ito ang inihayag ni Rosalie Tamondong, LGOO V ng DILG-Pangasinan sa ginanap na KBP-Pangasinan Chapter Forum kung saan labing apat pa aniya rito ang on-going project, at dalawamput pito pa ang nasa proseso ng bidding.

Kabilang aniya rito ang mga proyekto gaya ng local acces road, flood control, portable water system, rescue equipment, at evacuation center bilang bahagi sa disaster preparedness.

Dahil sa panahon ngayon, tinututukan anila ang disaster preparedness sa pamamagitan ng pagpapatayo ng evacuation center sa bayan ng Bani, Binmaley, Bugalon, at bayan ng Sto. Tomas.

 

Tuloy-tuloy din aniya ang water supply project ng DILG sa bayan ng Agno, Aguilar, Anda at Bugallon at ang Salin-Tubig Project sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

 

Speak Your Mind

*