Mahigit isang milyong Overseas Absentee Voters, target ng DFA sa 2019 election

Kumikilos na ang mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa ibat ibang bahagi ng bansa para sa kanilang kampanya para sa Overseas Voter Registration bilang paghahanda sa 2019 Elections.

Target kasi ng Department of Foreign Affairs o DFA ang mahigit isang milyong Overseas Absentee Voters sa susunod na Election 2019

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose, nagsimula ang registration sa mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa ibayong dagat noong December 1, 2016 at itoy  magtatapos naman sa September 30, 2018.

Maglalagay na rin ang DFA ng voter registration centers sa DFA Office of Consular Affairs sa ASEANA.

Layon nito na mabigyang-daan ang OFWS na makapagpatala para sa 2019 elections.

Speak Your Mind

*