Malacañang, itinangging may kinalaman sa Rigodon sa Senado

Itinanggi ng Malacañang na may kinalaman sila sa pag-alis sa mga senador na miyembro ng Liberal Party (LP) sa committee chairmanship ng mga ito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, inirerespeto nila ang pagiging independiyente ng Senado.

Hindi rin umano makikialam ang Malacañang sa internal affairs ng Senado.

Hindi umano makokontrol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawampu’t apat na senador na may sarili aniyang pag-iisip.

Itinanggi rin ni Abella na may kaugnayan ang palasyo sa nangyaring rigodon sa Senado.

Si Senador Manny Pacquiao ang nagmosyon sa Senado na palitan sa kanilang puwesto bilang committee chairman sina Franklin Drilon, Francis Pangilinan, Paolo Benigno Aquino IV at Risa Hontiveros.

Speak Your Mind

*