Mary Jane Veloso, pinayagang tumestigo laban sa kanyang mga recruiter

Pinayagan na ng Nueva Ecija Court si Mary Jane Veloso, ang Pilipina na nasa death row sa Indonesia, na tumestigo laban sa kanyang mga recruiter.

Si Veloso ay nahuli ng mga awtoridad sa Yogyakarta Airport na may dalang dalawang kilo ng heroin noong 2010.

Ayon sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), pansamantalang sinuspindi ang pagbitay kay Veloso noong 2015 para makapagbigay ng testimoniya laban sa kanyang umano’y illegal recruiters na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao.

Si Veloso ay nakatakdang magbigay ng salaysay sa Abril a-beinte siyete sa Yogyakarta Prison sa harap ni Nueva Ecija Regional Trial Court (RTC) Branch 88 Judge Anarica Castillo-Reyes,  mga abugado ng NUPL.

Magiging saksi rin sa pagbibigay ng salaysay ni Veloso ang mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ), kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at abugado ng mga recruiter ni Veloso.

Speak Your Mind

*