May kondisyon ng autistic disorder, kailangan ng malawak na pang-unawa

Kailangan ng isang malawak na pang-unawa, pagkalinga at pagmamahal ang isang taong may kondisyon ng autistic disorder, isang sakit na kabilang sa mental retardation.

Ito ang inihayag Dr. Rosalinda Caoile, Psychiatrist ng Region 1 Medical Treatment and Rehabilitation Center (R1MTRC) sa lungsod ng Dagupan kaugnay sa ginugunita ngayong national mental retardation week.

Ayon kay Caoile, batay sa isang pag-aaral, isa sa 500,000 mga bata sa mundo ay nagkakaroon ng sakit na autistic disorder kung saan mayroon silang kakaibang ugali.

 

Sinabi ni Caoile na taong may autistic disorder ay may katangian na naka-focus lamang sa iisang bagay kayat nagkakaroon sila ang kakaibang skills at talent na kapuri-puri naman.

Nabatid na ilan sa sanhi ng pagkakaroon ng mental retardation ay namamana mula sa pamilya, at kondisyon mula sa pagbubuntis ng nanay.

 

Ang tinig ni Dr. Rosalinda Caoile, Psychiatrist ng Region 1 Medical Treatment and Rehabilitation Center (R1MTRC) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*