Membership Card ng Pag-Ibig Fund, mas pinatatag sa Loyalty Card Program

Mas pinatatag ng Home Development Mutual Fund O Pag-Ibig Fund ang pagbibigay ng membership card sa pamamagitan ng kanilang Loyalty Card Program.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Renand Hilomen, Administrative Services Officer III ng Pag-Ibig Fund-Dagupan Branch na ang loyalty card ay halos kaparehas ng ATM Card na nagsisilbing membership identification card para sa lahat ng miyembro.

Bukod dito, sinabi ni Hilomen na sa halagang P100 na membership para sa loyalty card ay maaari ng makuha ang mga discount mula sa ilang mga establishementong kapartner ng Pag-Ibig Fund.

 

Ang kailangan lang aniya para makakuha ang loyalty card ay active member ng Pag-Ibig at nakapag-comply sa online registration para magkaroon ng mid-numbers.

Sa ngayon, marami na umanong mga establisyemento na nakipag-partner sa pag-ibig fund gaya ng mga supermnarket, gasolinahan, paaralan, hospital para sa kanilang pagbi-bigay ng diskuwento.

Speak Your Mind

*