Mga banat ni Trillanes kay Pangulong Duterte, balewala sa Malakanyang

Balewala sa Malakanyang ang patuloy na pambabanat ni Senador Antonio Trillanes kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang nagbabala si Trillanes na hindi siya titigil sa pagbubulgar upang ilantad ang totoong Duterte sa pagdinig ng Senado matapos ang rebelasyon ni dating SPO3 Arturo Lascañas kaugnay ng Davao Death Squad (DDS) na ginagamit umano ni Duterte sa pagpapatumba ng mga kriminal at kalaban.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, lumang kuwento na ang sinasabi ni Lascañas na matagal nang nasagot at nalinawan.

Sinabi ni Abella, na hindi nila alam kung ano ang tinutukoy ni Trillanes na dapat pang ilantad para sirain si Pangulong Duterte.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ang kanyang utos sa mga pulis at militar ay arestuhin ang mga kriminal pero kung manlaban at malagay sa panganib ang kanilang buhay ay saka nila ito patayin.

Speak Your Mind

*