Mga peryahan, mahigpit naring binabantay ng Aguilar PNP

Kasama na sa minomonitor ng Aguilar PNP ang mga peryahan na usong-uso ngayon sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Police Chief Inspector Arturo Melchor, Chief of Police ng Aguilar PNP ay mahigpit na tinitingnan ng pulisya kung may mga paglabag na nagagawa ng mga operator ng peryahan.

Nilinaw ni Melchor na hindi kasama sa exception na kung fiesta ay legal ang peryahan.

Nanatili aniya itong ilegal gambling ang mga peryahan kahit na ito ay may permit mula sa munisipyo lalo na kung nagsasagawa ito ng ilegal na sugal.

 

Sa ngayon, tinututukan na rin nila ang mga Meridian o Jai-Alai na nagpapataya sa kanilang lugar lalot ito’y semi-legal lamang dahil sa permit na ibinigay sa kanilang ng National Government.

Speak Your Mind

*