Mga pulis na kinasuhan sa Ombudsman, bumaba noong 2016

Pinalagan ng Philippine National Police ang report na ikalawa ang PNP sa may pinakamaraming nasampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman.

Iginiit ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos na mas bumaba pa ang bilang ng mga pulis na nasampahan ng kaso sa Ombudsman sa nakalipas na taong 2016.

Paliwanag ni Carlos na sa kabila na pumangalawa ang kanilang ahensya sa may maraming nasasampahan ng kaso, pababa naman ng pababa ang bilang ng mga pulis na nakakasuhan.

Aniya, kalimitang dahilan kung bakit nasasampahan ng kaso ang mga pulis ay dahil sa hina-harass o binabalikan ng kanilang mga naaresto.

Base sa report, nangunguna sa may pinakamaraming nakasuhan sa Ombudsman ay ang mga Local Government Officials.

Inaasahan ng pambansang pulisya na mas maraming mga pulis ang masasampahan ng kaso sa PNP Internal Affairs Service dahil sa kampanya laban sa mga scalawags na siyang investigating body ng PNP.

Habang ang counter intelligence task force ng PNP ang siyang magsasampa ng kaso laban sa mga pasaway na pulis.

Speak Your Mind

*