Mga pulis na may minor offense, dapat lang dumaan sa mga community service

Dapat lang dumaan sa mga community service ang mga pulis na mayroong minor offense ayon sa National Police Commission o Napolcom Region 1.

Ito’y kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa re-training ang mga police scalawags at paglinisin sa Pasig River.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Atty. Edwin Mapili, Provincial Director ng NAPOLCOM-Pangasinan na kasama sa mandato ng ahensya na kung ang isang pulis ay nasangkot sa minor offense ay kailangan ito sumailalim sa community service.

 

Ngunit kung ang isang pulis aniya ay nasangkot na sa kutong, extortion, kidnapping ay hindi na kailangan ang community service dahil ang dapat dito ay demotion o pagkatanggal sa serbisyo.

Speak Your Mind

*