Mikael Daez, inamin na ang tunay na relasyon nila ni Megan Young

For the first time ay inamin na ni Mikael Daez ang real score sa kanila ni Megan Young.

Sa pag-amin ng aktor, sinabi niya na anim na taon na silang magkasintahan ng Miss World 2013.

Paliwanag ni Mikael, hindi nila magawang aminin ang kanilang relasyon dati dahil may kaniya-kaniya silang mga ka-love team.

Bukod dun ay parang nasanay na rin aniya sila na hindi vocal pagdating sa kanilang relasyon.

Kahit ganoon ang naging set-up ay hindi naman daw nila nililimitahan ang pagsasama nila kahit pa sa mga pampublikong lugar.

Sinabi naman ng aktor na hindi nila pinag-usapan ni Megan ang ginawa niyang pag-amin ngayon.

Speak Your Mind

*