Militar, hindi magdaragdag ng puwersa sa kabila ng all-out war

Hindi magdaragdag ng puwersa ang Militar laban sa New People’s Army (NPA) sa kabila ng idineklara ng Gobyerno na all-out war laban sa mga ito.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Edgard Arevalo na matagumpay naman ang combat operations na kanilang isinagawa matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire ng Gobyerno.

Dagdag pa ni Arevalo, mababa na ang simpatya ng mga sibilyan sa NPA kaya’t madali nang tugisin ang mga ito.

Speak Your Mind

*