Milk Feeding Program, inilunsad ng PCC sa Pangasinan

Inilunsad na ang Philippine Carabao Center (pcc) ang milk feeding program dahil sa dumaraming produksyon ng gatas ng kalabaw sa lalawigan ng pangasinan.

Ayon kay Gloria Dela Cruz, Director ng Philippine Carabao Center, nakipag-ugnayan ang pcc sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga Local Government Unit (LGU’S) para kuhain ang lahat ng milk production ng mga magsasaka partikular na sa bayan ng Asingan.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi pa ni Dela Cruz na sa halip na kung ano-anong klase ng pagkain ang ipakain sa mga bata, mas mabuti sa kalusugan ang pag-inum ng carabao milk.

Sa ngayon, pinaplano na ng Asingan Dairy Processing Center na lumapit sa Provincial Government at mga LGU’S sa lalawigan para hingin ang kanilang suporta sa naturang milk feeding program.

 

Nabatid na umaabot na sa 120 leter per day ang milk production ng Asingan Dairy Processing Center at kaya narin nilang gumawa ng carabao pastilla at yugart.

Speak Your Mind

*