Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, itinangging siya ay lesbian

Nilinaw ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ang ispekulasyon na isa siyang lesbian.

Nagsimula ang haka-haka nang mag-viral sa social media ang ilang larawan niya kasama ang isang babae.

Kinuha ang mga larawan mula sa Instagram account ni Iris at ng isang Camille Cert.

Ayon sa French beauty queen, mahal niya si Camille pero hindi niya ito girlfriend kundi matalik lamang sila na magkaibigan.

Mahal rin aniya ni Iris ang boyfriend na si Matthieu.

Ang tinutukoy na boyfriend ni Iris ay si Matthieu Declercq na todo suporta sa kaniya sa ginanap na Miss Universe Pageant sa Pilipinas.

Makikita naman sa mga post ni Matthieu sa Instagram na proud boyfriend siya sa kasintahan.

Speak Your Mind

*