Mobile Blood Donation Drive ng PHO, isinagawa sa PSU Lingayen

Isinagawa ngayong araw, Pebrero 14 Araw ng mga Puso ang “Mobile Blood Donation Drive” ng Provincial Health Office (PHO) sa Pangasinan State University (PSU) Lingayen.

Sa panayam ng Sonshine Radio sinabi ni Aurora Doria, Nurse IV ng PHO na dinaluhan ito ng mga studyante, guro at lahat ng mga empleyado ng unibersidad.

Bukod dito, kasado narin aniya ang isasagawang Mobile Blood Donation Activity sa Panpacific University North Philippines (PNUP) Tayug Campus sa darating ng Pebrero 18 araw ng sabado.

Inaasahan naman na lalahukan ito ng mga studyante ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Una rito, naging matagumpay ang isinagawang Mobile Blood Donation Drive ng PHO sa Pangasinan Provincial Police Office noong nakaraang biyernes, Pebrero 10 kung saan nakakolekta sila ng 88 blood bags.

Dadag pa ni Doria na mahalaga ang pagbibigay ng dugo dahil dinudugdugan nito ang buhay ng isang tao.

 

Nabatid na nangungunang nangangailangan ng dugo ang mga pasyente ng sakit na dengue, mga nanganganak at mga biktima ng mga aksidente.    

——- 

Ibat-ibang benepisyong makukuha sa pagdo-donate ng dugo, inihayag ng PHO

“Dugo Ko, Dugtong ng Buhay Mo”.

Ito ang temang gustong ipaabot ng “Mobile Blood Donation Drive” ng Provincial Health Office (PHO) sa lahat ng mga nagnanais na magbigay ng dugo ngayong buwan ng mga puso.

Ayon kay Aurora Doria, Nurse Officer ng PHO, na isa sa makukuhang benepisyo sa pagdo-donate ng dugo ay ang kasiyahang madarama dahil makakapag-ligtas tayo ng buhay ng tao.

May mabuting dulot din aniya sa kalusugan ang pagbibigay ng dugo dahil mapapalitan o mas papaganda nito ang kondisyon ng dugo sa katawan.

Sinabi pa ni Doria na dahil sa isinasagawang blood screening, libre naring masusuri kung mayroong sakit sa dugo gaya ng HIV-AIDS.

 

Bukod pa rito, maganda rin aniya para sa mga taong may mataas na calories ang pagdo-donate ng dugo. Pinabababa rin nito ang posibilidd na pagkakaroon ng sakit sa puso, stroke at cancer.

Speak Your Mind

*