Mobile Recruitment, isinasagawa sa Dagupan ng Philippine Marines Corps

Kasalukuyang nagsasagawa ng “Mobile Recruitment” ang Philippine Marine Corps (PMC) sa lalawigan ng Pangasinan para sa lahat ng gustong maging miyembro ng Phl. Marines.

Ayon kay Capt. Romelito Macaraig, Officer-In-Charge ng Phil. Marine Corp ang Phil. Marines ay nabibilang sa Philippine Navy kahanay ng Phl. Air Force sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Base aniya sa Philippine Marine Co-Regional Profile, marami sa magigiting at matitikas na kalalakihang Pangasinense ang posibleng ma-qualify bilang candidate soldier at officer candidate.

Dagdag pa ni Macaraig na ang kailangan lang sa mga qualification para makapasok sa “PMC Mobile Recruitment” ay atleast mayroong 72 units sa college o High School graduate, mayroong TESDA Certificate (NCII), edad labinwalo hanggang dalawamput limang taong gulang, may taas na 5’4’’ at walang asawa.

 

Samantala, ang Screening sa mga aplekante ay isasagawa sa darating ng February 20 hanggang sa  March 2. Isasagawa naman ang Final Examinations sa darating ng March 2 hanggang March 7.

Para sa karagdagang katanungan, maaaring tumawag sa contact numbers na 0930-062-4046 / 0927-958-5840 o magtungo sa Naval Reserve Center-Central Luzon, Det Bonuan, Bonuan Gueset, Dagupan City. 

Comments

  1. robert bernabe says:

    gud am po sir/maam tanong lng po kung pwd pa age 25?

  2. good Pm po sir ask ko lng po bat need po mag stay ng 1 week sa dagupan ung mga applicant na kukuha ng i/q test at neuro exam

Speak Your Mind

*