Moral ng PNP, nananatiling mataas sa kabila ng kontrobersyal na “tokhang for ransom”

Nananatiling mataas ang moral na mga kapulisan sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Police Chief Inspector (PCI) Joseph Imperial, Chief of Police ng Bugallon PNP matapos nasangkot ang ilang tiwaling pulis sa kontrobersyal na “tokhang for ransom”.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Imperial na nananatiling tapat ang kapulisan ng bugallon sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

 

Dagdag pa ni Imperial na simula ang ipatupad ang operation ng double barrel ay walang miyembro ng kapulisan sa Bugallon ang nasangkot sa iligal na aktibidad.

Naniniwala ni Imperial na bagamat may iilang pulis na nasasangkot sa anumalya, marami pa ring mabubuting pulis na gumagawa ng tama.

 

Ang tinig ni PCI Joseph Imperial, Chief of Police ng Bugallon PNP sa DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*