MRT, maagang nagkaaberya; limitadong biyahe, ipinatupad

Maagang nakaranas ng aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit ngayong Lunes.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), alas-6:21 ng umaga nang makaranas ng problemang-teknikal sa pagitan ng Boni Avenue at Shaw Boulevard stations.

Agad nagpatupad ng limitadong biyahe ang MRT mula North Avenue Station Hanggang Shaw Boulevard Station at vice versa.

Samantala, inihinto ang biyahe mula Shaw Boulevard Station hanggang Taft Station at vice versa.

Naibalik sa normal ang operasyon ng MRT makaraan 44 na minuto o alas-7:05 ng umaga.

Speak Your Mind

*