‘My Ex and Whys’ nina Liza Soberano at Enrique Gil. kumita ng P100 milyon

Humakot ng nasa P100 milyon ang pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil na“My Ex and Whys” sa loob pa lamang ng ilang araw.

Sa unang araw ng pagpapalabas ng kanilang pelikula noong Miyerkules ay kumita na agad ito ng nasa 31 milyon.

Samantalang aabot naman sa halos P70 milyon ang kinita nito mula Huwebes hanggang Sabado.

Kasalukuyang ipinalalabas sa nasa 300 sinehan sa buong bansa ang nasabing pelikula.

Speak Your Mind

*