NAPOLCOM-Region 1, walang natatanggap na kaso ng korupsyon sa hanay ng kapulisan

Walang natatanggap na reklamo ang National Police Commission o NAPOLCOM ng mga kaso ng korupsyon sa hanay ng kapulisan sa buong Region 1.

Ito ang inihayag ni Atty. Edwin Mapili, Assistant Regional Director at Provincial Director ng NAPOLCOM-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ganupaman, patuloy umanong pinapalakas ng napolcom ang community awareness upang maging bigilante ang publiko na magreport kung meron mang nalalaman na mga pulis na sangkot sa pangungutong at extortion.

Nilinaw ni Mapili na sakaling may matanggap silang reklamo ay agad nila itong kakasuhan.

 

Tiniyak pa ng NAPOLCOM na dumadaan naman sa malalimang imbestigasyon ang kasong kinakaharap ng isang pulis.

 

Ang tinig ni Atty. Edwin Mapili, Provincial Director ng NAPOLCOM-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*