Nasawi sa avalanche sa Afghanistan at Pakistan umabot na sa 132

Umakyat na sa isandaan at tatlumpu’t dalawang katao ang nasawi sa avalanche sa Afghanistan at karatig-bansang Pakistan.

Ang avalanche ay dahil na rin sa matinding buhos ng snow.

Ayon sa mga awtoridad, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi kapag napasok na ang mga isolated na lugar, kung saan ay mas marami ang inaasahang na-trap.

Nasa 119 na ang nasawi mula sa Afghanistan samantalang 67 naman ang sugatan, na karamihan ay mga babae at bata.

Speak Your Mind

*