National security adviser ni US President Trump, nagbitiw sa puwesto

Nagbitiw na sa puwesto ang national security adviser ni US President Donald Trump na si Michael Flynn.

May kinalaman ito sa ugnayan ni Flynn sa Russia.

Nakausap umano ni Flynn ang ambassador ng Russia patungkol sa ipapataw na parusa ng Amerika sa kanila bago pa man nanungkulan si Trump.

Ani Flynn, naging misleading ang nasabing usapan.

Ayon sa mga kritiko, posibleng maging biktima ng Russian blackmail si Flynn dahil sa contact nito sa Russia.

Trabaho ni Flynn bilang national security adviser na maging tagapayo ni Trump sa international affairs at defense.

Speak Your Mind

*