New England Patriots, binigyan ng hero’s welcome

Hindi nagpatinag sa ulan at malamig na panahon ang fans ng New England Patriots para mainit na salubungin ang Super Bowl Champion.

Nakatanggap ng Hero’s Welcome ang five-time Super Bowl Champ at pumarada sa downtown Boston sakay ng World War II-Era Duck Boats.

Suot ng fans ang number 12 jersey at dala ang mga poster na nagsasabing ‘Greatest of All Time’ si Star Quarterback Tom Brady.

Ang panalo ng Patriots ang greatest comeback win sa kauna-unahang overtime game sa National Football League (NFL).

Speak Your Mind

*