No segregation, No collection policy, mahigpit ng ipapatupad sa Dagupan

Mahigpit ng ipapatupad sa lungsod ng Dagupan ang no segregation, no collection policy sa pangungulekta ng basura sa tatlumpot isang barangay sa lungsod.

Ito’y matapos ang isinagawang Public Hearing ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan para talakayan ng problema sa basura sa lungsod.

Ayon kay Ronald De Guzman, hepe ng Dagupan Waste Management Division (DWMD), estriktong nang ipapatupad ang waste segragation kung saan may schedule na ang pangungulekta ng nabubulok at hindi nabubulok na basura.

Nanawagan naman si De Guzman ng pagkakiisa ng publiko sa lahat ng barangay dahil mahigpit ding ipatutupad ang multa na isang libong piso sa unang paglabag.

Batay sa inilabas na temporary schedule ng waste management sa pagkulekta ng basura, tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ang mga nabubulok, Martes at Biyernes ang mga plastic, at tuwing Huwebes at  Linggo ang mga residual waste.

Speak Your Mind

*