Nokia, muling inilunsad ang kanilang iconic 3310 model

Muling inilunsad ng cellphone brand na Nokia ang kanilang iconic 3310 model, higit isang dekada matapos mawala sa merkado.

Maituturing na isang ‘feature phone’ ang nasabing unit.

Bagama’t mas modernong tingnan ay mas limitado ang web browsing at hanggang two megapixels lamang ang camera nito kumpara sa mga smartphone.

Pero hanggang isang buwan umano ang itatagal ng baterya nito kung naka-standby mode at hanggang dalawampu’t dalawang oras maaaring makipagtawagan.

Naka-install na rin ang classic na larong snake.

Wala pa namang impormasyon kung kailan ilalabas sa Pilipinas ang nasabing cellphone.

Speak Your Mind

*