NOLCOM, tiniyak ang seguridad ng publiko matapos ang insidente ng sunog

Tiniyak ng Northern Luzon Command o NOLCOM sa mga residente ng lungsod ng Tarlac na patuloy ang obserbasyon ng mga safety measure matapos ang naganap na sunog.

Naganap ang sunog matapos ang malakas na pagsabog sa loob ng Camp Serviliano Aquino sa dakong 10:30 hanggang 11:30 ng gabi.

Sa isang pahayag, sinabi ni NOLCOM Commander Lieutenant General Romeo Tanalgo na lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa lumang gusali ng Enlisted Personnel Barracks ng Army Support Command.

Ayon kay Tanalgo, walang naapektuhan sa mga malalapit na establisyemento. 

Dagdag pa niya, wala ring naiulat na nasaktan o nasawi.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang NOLCOM sa Philippine National Police O PNP-Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction Management Council at iba pang awtoridad upang bumuo ng multi-agency group para sa imbestigasyon ng insidente.

Speak Your Mind

*