Nordstrom Inc., binatikos si US President Trump

Hindi ligtas sa pambabatikos ni United States President Donald Trump kahit ang kumpanya na malapit sa kanilang pamilya.

Sa Twitter, naglabas ng sama ng loob si Trump sa Nordstrom Inc. dahil sa aniya’y unfair treatment sa anak niyang si Ivanka.

Kasunod ito ng desisyon ng Nordstrom na hindi na nila bibilhin ang clothing line ni Ivanka.

Mula nang maluklok sa pwesto, ilang kumpanya na ang binatikos at pinasaringan ni Trump pero ito ang unang pagkakataon na malapit sa kaniyang pamilya ang binatikos ng Pangulo.

Speak Your Mind

*