Organizer ng 89th Oscars Academy Award, humingi ng paumanhin matapos na magkamali sa pag-anunsiyo ng ‘Best Picture’

Humingi ng paumanhin ang organizer ng 89th Oscars Academy Award matapos na magkaroon ng pagkakamali sa pag-anunsiyo ng “Best Picture.”

Ayon sa PricewaterhouseCoopers (PWC) na tagapangasiwa ng award, maging sila ay nagtataka sa pagkakamali dahil naging mahigpit umano ang pagbabantay sa mga envelope na nakasilid pa sa dalawang briefcase.

Iimbestigahan na rin ng PWC ang nangyari.

Humingi ng paumanhin ang PWC sa mga cast ng dalawang pelikula na apektado sa maling pag-anunsiyo sa winner.

Magugunitang unang tinawag na nagwagi sa “Best Picture” ang pelikulang “La La Land” pero binawi ito ng host at inanunsiyong tunay na nanalo ang pelikulang “Moonlight.”

Speak Your Mind

*