P40 flag-down rate sa mga taxi, epektibo na ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang pagbabalik sa kuwarenta pesos ng flag-down rate sa mga taxi.

Noong Pebrero 8 ay inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagbabalik sa P40 flag-down rate maliban sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa Car ay P35 ang flag-down rate para sa unang 400 metro.

Samantala, hiwalay namang dedesisyunan ng LTFRB ang petisyong taasan din ang waiting time sa taxi.

Inaasahang diringgin ng LTFRB ang usapin sa Marso.

Speak Your Mind

*