Pag-aresto sa mga NDF consultants, walang deadline

Walang itinakdang deadline ang pnp-cidg sa pag-aresto sa mga NDF consultants na pansamantalang pinayagan ng korte na makalaya para makadalo sa peace negotiation sa Oslo Norway at Rome, Italy.

Pero ayon kay PNP-CIDG Chief Superintendent Roel Obusan, prayoridad na nila ngayon na maaresto ang mga NDF consultant kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa AFP at Bureau of Immigration para malaman kung nakabalik na lahat sa bansa ang mga nakibahagi sa peace talks.

Aminado si Obusan na medyo sensitibo ang kanilang gagawing pag-aresto sa mga NDF consultants.

Tumanggi si Obusan na banggitin kung ilan lahat ang mga ndf consultants na target ng kanilang operasyon.

Kasama sa mga pinaaaresto ni Duterte ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon, Vic Ladlad, Adelberto Silva, Alfonzo Jazmines, Alfredo Mapano, Loida Magpatoc, Pedro Cudaste, Ruben Salota, Ernesto Lorenzo, Porferio Tuna, Renante Gamara at Tirzo Alcantara.

Speak Your Mind

*