Pag-Ibig Fund, nilinaw ang dapat paggamitan ng pera mula sa Housing Loan

Nilinaw ng Home Development Mutual Fund o Pag-Ibig Fund na dapat gamitin lamang sa pagpapagawa ng bahay ang perang nagmula sa Housing Loan.

Ito ayon kay Renand Hilomen, Administrative Services Officer III ng Pag-Ibig Fund-Dagupan Branch ay dahil sinisiguro ng pag-ibig kung napupunta sa construction materials ang unang 30 percent na na-release sa housing loan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Hilomen na dumadaan sa kanilang inspection kung nasusunod ang kondisyon sa housing loan at kung sakali aniyang nakitaan ito ng paglabag o nagamit sa ibang pagkakagastusan ang perang ini-loan para sa pagpapagawa ng bahay ay posibleng mahirapan ng irelease ng susunod na 30 percent.

 

Nabatid na dalawang uri ang Loan Program ng Pag-Ibig Fund, ito ay ang Calamity Loan at Multi-Purpose Loan kung saan dito kabilang ng Housing Loan.

Speak Your Mind

*