Pagbawi ng NPA sa tigil-putukan, inalmahan ni Pangulong Duterte

Inalmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi ng New People’s Army (NPA) sa kanilang Unilateral Ceasefire.

Sa pahayag ng pangulo sa National Convention of Philippine Association of Water Districts sa Davao, pinagbigyan naman niya ang hirit ng NPA na palayain ang mga lider nila na nakakulong.

Matatandaang pinalaya ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon at nakasama pa ang mga ito sa usapang pangkapayapaan sa Norway.

Tanong pa ng pangulo, dapat bang gayahin din niya ang NPA at bawiin din ang Unilateral Ceasefire naman ng gobyerno.

Matatandaang kahapon ay inanunsyo ng NPA ang pagbawi sa tigil-putukan dahil sa umano’y kabiguan ng pamahalaan na mapalaya ang lahat ng mga bilanggong pulitikal.

Speak Your Mind

*