Pagbisita ni Trump sa Britanya, pag-dedebatihan pa

Pagdedebatehan pa sa United Kingdom (UK) Parliament ang planong pagbisita ni United States President Donald Trump.

Ito ay makaraang umabot sa 1.6 milyon ang pumirma sa isang petisyon para kontrahin ang pagbisita ni Trump sa Britanya.

Nakasaad sa nasabing petisyon na kahihiyan sa Queen of Majesty kung bibisita si Trump sa kanilang bansa.

Si British Prime Minister Theresa May ang nag-imbita kay Trump na bumisita sa UK na tinanggap naman ng bagong Pangulo ng Amerika.

Speak Your Mind

*