Paggawa ng bagoong, magandang negosyo para sa fishery industry, ayon sa BFAR

Nakikita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-dagupan na magandang negosyo para sa fishery industry ng Pangasinan ang paggawa ng bagoong.

Ito ang inihayag Dr. Westly Rosario, Center Chief ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR – National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon pa kay Dr. Rosario, ang pagnenegosyo ng Bagoong ay matatawag na family treasure dahil may kanya-kanyang silang pamamaraan sa paggawa ng bagoong.

Sinabi pa ni Rosario na walang makikita sa libro ang sekrito sa sarap ng bagoong at wala na siyang nakita na mga negosyanteng nagba-bagoong ang naghihirap o nalulugi.

 

Una nang sinabi ni Dr. Rosario na mismong si BFAR National Director Commodore Eduardo Gongona ang tumawag sa kanya para magpasama at tingnan ang isang paggawaan ng bagoong sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Speak Your Mind

*