Pagkampi ng SolGen kay Napoles, hindi kakaiba

Hindi kakaiba ang pagkampi ng Office of the Solicitor General (OSG) kay Janet Lim-Napoles.

Ayon kay dating Department of Justice (DOJ) Undersecretary Jose Justiniano, hindi ito ang unang beses na kumampi ang sol-gen sa isang akusado.

Pero ayon kay Justiniano, ililipat lang naman ng kulungan si Napoles kung kakatigan ang kanyang petisyon.

Tiniyak ni Justiniano na walang kaugnayan ang illegal detention case ni Napoles sa mga kaso nito kaugnay ng PDAF scam.

Kaya giit nito, hindi makalalaya ang tinaguriang ‘pork barrel scam queen.’

Desisyon pa rin aniya ng Sandiganbayan kung saan ikukulong si Napoles.

Speak Your Mind

*