Paglalagay sa AFP Custodial Center sa high-profile inmates, idinepensa

Pinasinungalingan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre ang akusasyon ni Senador Leila De Lima na ibinalik umano niya ang ilang mga pribilehiyo ng high-profile inmates.

Ayon kay Aguirre, ang paglalagay sa ilang high-profile inmates sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Custodial Center ay para maiwasan ang riot sa loob ng Bilibid.

Mainit pa rin aniya ang dugo ng magkakalabang panig.

Matatandaang sinabi ni De Lima na pinagagamit daw ni Aguirre ng mga cellphone at iba pang electronic gadgets ang high-profile inmates na nasa AFP Custodial Center.

Speak Your Mind

*