Paglilitis sa kasong plunder ni dating Senador Revilla, muling kinansela

Muling kinansela ang paglilitis sa kasong plunder ni dating Senador Bong Revilla.

Nakansela ang paglilitis dahil sa nakabinbing motion to dismiss case na inihain ng abugado nitong si Attorney Estelito Mendoza.

Ayon kay Mendoza, hindi napatunayan ng case information kay Revilla ang kasong plunder.

Wala rin umanong ‘series of overt criminal acts’ na ginawa si Revilla at ang chief of staff nitong si Richard Cambe.

Itinakda ang plunder trial kay Revilla sa Pebrero 23.

Ang nasabing kasong pandarambong ay nag-ugat sa pagkakadawit ni Revilla sa pork barrel scam.

Speak Your Mind

*