Paglulunsad ng 1st Pangasinan Inter-LGU Unity Games, isinusulong

Dahil sa tagumpay na isinasagawang 1st Governor’s Cup Inter-Town Basketball Tournament, isinusulong ngayon ni Governor Amado “Pogi” I. Espino III ang pagkakaroon ng 1st Pangasinan Inter-LGU Unity Games.

Ito’y inihayag ni Gov. Espino sa ginanap na City/Municipal Sports Coordinators’ conference na ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) na dinaluhan ng mga sports coordinators’ mula sa 38 municipal at city ng Pangasinan.

Ayon kay Espino, ang nasabing 1st Pangasinan Inter-LGU Unity Games ay gagawin sa pamamagitan ng basketball games para sa mga kalalakihan at volleyball games para sa mga kababaihan

Magandang instrumento aniya ang nasabing Inter-LGU Unity Games para maka-ikot sa ibat-ibang bayan ang mga local government officials at employees ng probinsya.

Dagdag pa ni Espino na sinuman ang mananalo ay magiging kinatawan ng Pangasinan sa gagawing friendly games ng bawat probinsya.

 

Ang tinig ni Governor Amado “Pogi” I. Espino III.

Speak Your Mind

*