Pagpapalipat sa mga pasaway na pulis sa Mindanao hindi parusa ayon sa PNP

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na hindi parusa ang pagpapatapon sa mga pasaway na pulis sa Mindanao.

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni PNP Spokesperson Senior Superintendent Dionardo Carlos na ongoing program ng Pnp ang reassignment sa mga pulis na nahaharap sa mga kaso.

Tiniyak din ni Carlos na hindi natatapos sa pagprisinta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pasaway na pulis dahil kakasuhan pa rin ang mga ito.

Samantala, madadagdagan naman ang mga kahaharaping kaso ng mga pulis na hindi nagpunta nang ipatawag sa Camp Crame at sa Malacañang para iharap kay Duterte.

Nasa higit kuwarentang pulis ang hindi sumipot nang ipatawag ni Duterte sa Malacañang.

Speak Your Mind

*