Pagpapatupad ng batas kontra droga ng NBI, sinuspinde ni Pangulong Duterte

Sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng batas patungkol sa droga ng National Bureau of Investigation o NBI.

Sa talumpati ni Duterte sa National Convention of Philippine Association of Water Districts, sinabi nitong hindi na niya mapagkakatiwalaan ang NBI dahil sa corrupt ito.

Tanging sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na lang umano nagtitiwala si Duterte sa laban kontra droga.

Tiniyak din ni Duterte na magkakaroon ng balasahan at tanggalan sa pwesto ng mga opisyal sa NBI at sa Camp Crame na headquarters ng PNP.

Speak Your Mind

*