Pagpapatupad ng SSS pension hike, aprubado na ng Palasyo

Aprubado na ng Malacañang ang kautusan para sa pagpapatupad ng karagdagang pensiyon sa mga retiradong miyembro ng Social Security System (SSS).

Inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nasabing memo.

Retroactive o simula sa panahong inanunsiyo ang dagdag-pensiyon.

Ayon kay SSS President Emmanuel Dooc, sa Marso ibibigay ang lahat ng dagdag-pensiyon na sanlibo kada-buwan.

Ibig sabihin, katumbas ng tatlong buwan ang ibibigay na dagdag-pensiyon o nasa kabuuang tatlong libong piso para sa mga buwan ng Marso, Pebrero at Enero, kung kailan inanunsiyo ang pension hike.

Ani Dooc, ibibigay ang dagdag-pensiyon sa Marso a-tres, a-diyes at a-disisiyete.

Taong 2022 naman maibibigay ang ikalawang bahagi ng dagdag-pensiyon.

Speak Your Mind

*